GMA Logo Hula Who Daring Diva
What's on TV

HULA WHO: Daring diva, nahuling nagpapanggap sa set?

Published December 9, 2025 6:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 11, 2025
Pagtatayo ng 4 na Kapuso classroom sa Bohol, sinabayan ng GMAKF ng tree planting | 24 Oras
PNP defends protocol in arrest during carnapping

Article Inside Page


Showbiz News

Hula Who Daring Diva


Kilalanin si daring diva na huling-huli ang pagpapanggap sa 'Hula Who'.

Isang daring diva na nahuling may ginagawang pagpapanggap ang latest na chika sa Hula Who.

Ayon sa latest and hottest chika sa Hula Who, "May kilala akong isang daring diva, ang chismis, magaling daw ito sa hingal-hingalan school of acting."

Dugtong pa sa chika na mula sa "Salon De Chika" sa TiktoClock, "Sa gitna ng taping, bigla na lang daw itong umeksena na parang bang mauubusan ng hangin. Kaya naman ipinatawag daw ang medic."

Ipinakita sa skit ng "Salon De Chika" kung paano naghingal-hingalan si aktres at kung paano siya nahuli na nagpapanggap lang sa set noong ipatawag ang medic.

"Na-confirm ng producer na naghihingal-hingalan lang si daring diva."

Para sa clue sa latest chika na ito, "Sa pangalan niya ay may letrang E as in echosera dahil huling-huli ang pang-eechos ni daring diva."'

Kilalanin si daring diva:

Abangan ang iba pang mga chika sa "Salon De Chika" sa TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA.