GMA Logo Hula Who
AI Generated Image
What's on TV

HULA WHO: Hunky action star, muntik mag-back out sa project dahil sa leading lady?

Published June 26, 2026 4:56 PM PHT
Updated June 26, 2026 5:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

EXPLAINER: Why did the ICC judges sue US President Donald Trump and his administration?
One Western Visayas: June 26, 2026 | Livestream
Pinoy energy electrifies '&FRIENDS Festival 2026'

Article Inside Page


Showbiz News

Hula Who


Alamin ang dahilan ng hunky action star sa "Hula Who."

Isang hunky action star na muntik na raw umatras sa project ang bagong kikilalanin sa "Hula Who."

Ayon sa segment na "Sikreto ng mga Borta" ng TiktoClock, "May nalaman akong sikreto tungkol kay hunky action star. Ang tsismis, muntik na raw itong mag-back out sa kaniyang project."

Pagpapatuloy sa kuwento, "Kasi raw matagal na nitong tinatanong kung sino ang gaganap na kaniyang leading lady. At finally, noong na-meet na niya, ganito ang nangyari."

Sa isinagawang skit, ipinakita na nais daw ni hunky action star na ang kaniyang magiging kapareha ay kasing-sikat din niya. Ipinaliwanag naman ng staff na kahit bagong mukha at fresh sa industriya ang napiling leading lady, mahusay naman daw ito sa pag-arte.

Saad pa sa kuwento, "Ang ending, natuloy naman daw ang project pero muntik na mag-back out si hunky action star."

Para sa clue tungkol kay hunky actor, "Sa pangalan niya may letrang N."

Kilalanin si hunky action star dito:

Samantala, abangan ang iba pang mga chika sa "Sikreto ng mga Borta" sa TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA at sa Kapuso Stream.