GMA Logo Hula Who Hunky Actor
What's on TV

HULA WHO: Hunky actor, may ni-request sa travel buddies na kasama sa party

Published February 5, 2026 5:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Boy killed in stone attack in Misamis Oriental
Denmark renews support for PH in beefing up national defense
Try out Leyte's lawot-lawot

Article Inside Page


Showbiz News

Hula Who Hunky Actor


Ano kaya ang request ni hunky actor?

Isang hunky leading man ay may ni-request sa kaniyang mga kaibigan sa kanilang pagpa-party sa ibang bansa.

Saad sa latest na chismis mula sa "Salon De Chika" sa TiktoClock, "May isang hunky leading man. Ang chismis, naloka raw sa kaniya ang mga travel buddies niya habang nasa ibang bansa. Nagyaya raw itong aktor na pumarty party sa isang LGBTQ bar. Nagulat raw sila kasi mayroon siyang request."

Ipinakita pa sa skit ng "Salon De Chika," gusto ni aktor na lumipat sa ibang bar pero may kondisyon. Sabi niya ay ayaw niya sa bar na maraming Pinoy para walang makakita sa kaniya.

"Hindi raw kinaya ng travel buddies ng aktor 'yung request niya."

Para sa clue, "Sa pangalan niya may letrang L. As in love wins. Sinuportahan naman ng mga friends niya ang kaniyang request."

Kilalanin si hunky actor dito:

Samantala, Abangan ang iba pang mga chika sa Salon De Chika sa TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.