GMA Logo Hula Who
What's on TV

Hula Who: Internet star na nagpapautang, binulgar ang kaniyang monthly expenses

By Aedrianne Acar
Published February 9, 2025 3:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Michael Sager earns praise for hosting skills in MMFF Gabi ng Parangal
OVP staff hold breakfast gathering in Manaoag
Remembering icons and notable personalities we lost in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

Hula Who


Totoo kaya ang tsismis na malaki ang kita nitong sikat na content creator?

Internet personality at entrepreneur, may ibinulgar nang sumabak sa session ng Your Honor!

Game na game ang “Pinoy Pawnstars” na si Boss Toyo na sagutin ang tanong ng House of Honorables sa kaniyang gastusin buwan-buwan.

Sa halip na mag-“Executive Whisper,” umamin ito sa tanong ni Buboy Villar na: “Magkano ba ang kinikita mo sa isang buwan?”

Lahad ni Boss Toyo sa Your Honor, “Ngayon, mataas 'yung mga overhead ko, 'yung mga OPEX [operating expenses] ko. Ito 'yung mga rentals, so, kung pagsusumahin mo parang nagbi-break even pa.”

“Kasi, nagpapagawa kasi ako ng museum. So, dun napupunta lahat. Kumikita naman ako para mabuhay ng maayos.”

Pagpapatuloy niya, “Hindi ko saulado kasi may bookkeeper ako kung magkano 'yung kinikita ko.”

“Ito na lang, hindi na 'yung kinikita kasi hindi ko talaga alam exact, kasi hindi ako 'yung accounting, hindi ko tinatanong. Siguro, meron ako puwedeng gastusin para sa sarili ko sa isang buwan kahit mga PhP 300,00. Kunwari, may PhP 300,00 ako pambili ko ng ganun, bigay sa anak.”

Ulitin ang iba pang naging sagot ni Boss Toyo sa “Executive Whisper” portion ng Your Honor sa video below!

RELATED GALLERY: BOSS TOYO'S CELEBRITY VISITORS