
Isang abogado na minahal ng televiewers at netizens ang muling mapapanood sa telebisyon ngayong buwan.
Talagang nagsumikap ang taong ito para makapagtapos siya ng abogasya. Lumaking mahirap ang abogadong ito pero dahil sa pagsusumikap ay nakamit niya ang kanyang mga pangarap.
Kahit na nakapagtapos ng abogasya, hindi nawala ang kabutihan sa kanyang puso at patuloy na tumutulong sa mga nangangailangan.
Ngayon, mapapanood si Attorney sa maaksyong programa sa gabi para tulungan ang magbabarkadang pinagtatanggol ang kanilang lugar.
Sino kaya ito? Tumutok lang sa GMANetwork.com para malaman ang sagot.