GMA Logo Hula who
What's on TV

HULA WHO: Isang TV at stage performer, bigla na lang nag-disappearing act

Published March 27, 2026 5:44 PM PHT
Updated March 27, 2026 7:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Paolo Contis, nakatanggap ng birthday surprise mula kina Lian Paz at John Cabahug
International Olympic Committee bans trans women from competing in female categories
Palaro 2026 in Agusan del Sur is a go, clarifies secretariat 

Article Inside Page


Showbiz News

Hula who


Bakit nga ba bigla na lang nawala si TV at stage performer? Alamin ito sa 'Hula Who'.

Para sa latest tsismis ng Hula Who, isang TV at stage performer ang napabalitang nag-disappearing act habang ka-bonding niya ang kaniyang mga kaibigan.

Ayon sa "Sikreto ng mga Borta" na bagong segment ng TiktoClock, "May nalaman ako tungkol sa isang TV at stage performer. Ang tsismis, bigla na lang daw itong nag-disappearing act habang kumakain with friends."

Ipinakita rin sa skit ng "Sikreto ng mga Borta" kung bakit nga ba siya bigla-bigla na lang um-exit nang pagkatagal-tagal. Ito pala ay dahil may nakita siya sa restaurant.

"Kaya pala ang tagal niya ay dahil nakipagkita siya sa waiter na cutie."

Para sa clue ng tv at stage performer, "Sa pangalan niya may letrang M, as in madali. Madaling madali na mahuli niya ang cute na waiter. At nahuli niya naman at nakuha niya ang number. "

Dinagdagan pa ng "Sikreto ng mga Borta" ang clue para sa blind item na ito.

"Madalas siyang mag-tuck in. Isa pang clue, nangbubudol siya. Isa pang clue, may hawak siyang mic."

Hula Who si TV at stage performer? Alamin ang iba pang clues dito:

Samantala, abangan ang iba pang mga chika sa "Sikreto ng mga Borta" sa TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA at sa Kapuso Stream.