
Ang Bubble Gang heartthrob na si Kokoy de Santos, may muntik nang makasuntukan dahil sa isang babae?
Game na sinagot ni Kokoy sa "Executive Whisper" portion ng Your Honor ang juicy question ng good friend niyang si Buboy Villar.
“Sino ang artistang muntik mong makasuntukan dahil sa babae?“ usisa ni Vice Chair sa best friend niya.
Walang patumpik-tumpik na nagkuwento si Kokoy tungkol sa isang Sparkle actor na naging katrabaho rin niya sa Mga Batang Riles.
“So ito na. Ito 'yung kasagsagan na magkakasama tayo sa table. May kanya-kanyang table kasi per team, per show. Nung time na 'yun, Bubble Gang of course. Ito dumarating 'yung isang friend niya. Name drop ko pa ba? Oo, Michael Sager, sige.
Habang busy raw siyang kumakain at katabi niya si Buboy Villar, bigla raw nagpakilala ang kasabay ni Michael Sager ang aktor na ito.
“Biglang tinapik ako [tapos sabi], 'Bro,' sabi sa akin. Kumakain ako.
“'Sabi sa akin, 'Bro, [ako] boyfriend ni ano.” Tugon naman ni Koy, “'Ah, oo.' Sabi ko ganyan, 'alam ko.'
“'Nagkita raw kayo e,' sabi niyang ganyan.
“Ah, oo! Pumunta siya nung na-invite yata doon sa premiere night ng movie ko, parang ganun,'” alaala ng Kapuso actor.
Pag-amin ni Kokoy, “Medyo naatake ako, parang kumakain lang naman ako, bakit ka magpapakilala sa akin. Medyo nakaramdam ako ng awkwardness, kasi kumakain ako, tapos hindi kami close, e.”
Wala na raw siyang ginawa matapos ang encounter nito at naisip niyang baka nagselos lang ang Sparkada member.
Pero muli raw silang nag-meet matapos ang ilang linggo sa isang regional event.
“Medyo awkward e.” Sabi ni Kokoy sa House of Honorables. “Never naman ako, kahit papaano, hindi ako awkward sa mga artista lang, dedma lang naman. Siya 'yung medyo ramdam ko, so nag-perform.”
“Kinabukasan, 'yung flight may pa-breakfast muna bago umalis ng hotel. Dun sa buffet, lumapit, nag-sorry. Humingi siya ng tawad, kasi kahit papaano uminom daw siya nun para magkaroon siya ng lakas ng loob. At nag-sorry siya dun sa inasal niya.”
Kilalanin kung sino ang aktor na ito sa Your Honor sa YouLOL YouTube channel.
RELATED CONTENT: Viral content of Bubble Gang in 2024