GMA Logo HULA WHO komedyante
AI-Generated
What's on TV

HULA WHO: Komedyante, nahuling may kabit ang kaibigan?

By Kristine Kang
Published June 14, 2026 4:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lacson hopes Senate leadership row resolved in special session
Jimuel Pacquiao and Carolina Pimentel's dreamy wedding in California
Baterbonia's siblings to get scholarships from Ateneo de Davao

Article Inside Page


Showbiz News

HULA WHO komedyante


Sino kaya itong comedian-actor na tila naka-relate sa isang tanong sa game show? Alamin dito.

Isang kilalang comedian-host ay tila napa-hotseat sa gitna ng kuwentuhan noong weekend.

Sa isang episode ng game show na The People Have Spoken, ibinahagi ng komedyante ang kanyang opinyon sa katanungang: "Natuklasan mong may kabit ang best friend mo. Sasabihin mo ba ito sa asawa niya?"

Ngunit kasabay ng kanyang pagpulso, tila may personal din itong karanasan sa naturang sitwasyon.

"Unang-una sa lahat, hindi ako si best friend," nilinaw niya.

"Pangalawa ang sabi, natuklasan mo. Hindi ka kinuwestiyon ng asawa niya...Ang sagot ko, hindi. Ayoko pong makialam."

Habang sumasagot, patawa ring pinupunas niya ang kanyang pawis at tila kinakabahan sa tanong.

"Unang-una po sa lahat, doon muna ako sa best friend. Una kaming nagkakilala ng best friend ko bago 'yung asawa niya," dagdag ng komedyante.

"May kwento, ah," biro ng isa pang comedian.

"May backstory pa," hirit ni Heart Evangelista, naloloka sa pagpapaliwanag ng komedyante.

"Kasi nangyari na 'to, e," sagot ng komedyante na napatili ang ilan sa studio.

"Ayun na nga!" hirit ni Heart.

Patuloy namang ipinaliwanag ng comedian-actor ang kanyang opinyon.

"Alam kong mali ang ginawa ng best friend ko. Pero gusto kong matuto 'yung best friend ko sa maling ginawa niya," aniya.

"Hindi ako mangingialam. Ang mahalaga nito, hindi ka kasama ng best friend mo noong gumagawa ng kalokohan. It's a choice. It's not, not a good choice," dagdag niya.

May hula ka na ba kung sino siya ? Alamin ang kasagutan DITO.

Samantala, subaybayan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL.

Available rin ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.