GMA Logo HULA WHO
AI-generated image
What's on TV

HULA WHO: Kontrabida actress, cause of delay dahil sa kaka-TikTok?

Published April 7, 2026 3:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Heart Evangelista, ipinagtapat na si John Prats ang first love niya: 'Kasi pinaiyak niya ‘ko'
Farm To Table: Simple at espesyal
P41M alleged smuggled diesel seized in MisOr; 2 nabbed

Article Inside Page


Showbiz News

HULA WHO


Kilalanin si kontrabida actress sa latest ng Hula Who:

Isang kontrabida actress na lagi raw nagti-TikTok ang latest na huhulaan sa Hula Who.

Ayon sa segment ng TiktoClock na Sikreto ng mga Borta, "May nalaman ako tungkol kay kontrabida actress; ang tsismis, naloloka raw sa kanya ang staff dahil madalas daw siyang maging cause of delay sa taping."

Saad pa sa Sikreto ng mga Borta, kilala nila ito at may naka-experience na rin nito sa kanila.

Samantala, ipinakita naman sa skit kung paano niyayaya ni kontrabida actress ang kanyang co-star na mag-TikTok at naloka ang mga staff dahil sa nagiging cause of delay ito sa taping.

"Ayun na nga 'yung sikreto ni kontrabida actress. Kaya pala madalas nadi-delay ang taping dahil panay ang TikTok tapos dinadamay niya pa ang iba niyang mga co-stars."

Para sa clue, "Sa pangalan niya kasi ay may letrang D, as in dance pa more. Kaya naloloka ang mga staff sa kanya. Pero love siya ng mga staff."

Kilalanin si kontrabida actress dito:

Samantala, abangan ang iba pang mga chika sa "Sikreto ng mga Borta" sa TiktoClock. Patuloy din na subaybayan ang happy time sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA at sa Kapuso Stream.