
May juicy revelation ang isang Korean dancer and social media influencer nang ito ay sumalang sa isang sikat na podcast tungkol sa naging dating history niya sa isang Pinoy celebrity.
Tanong ng lalaking host sa kanilang guest. “Sino ang Pinoy celebrity na naka-date mo?”
Matapos ang ilang sandali agad naman ibinulong ng Korean female personality ang sagot niya sa mga host.
“Hanggang saang step ba kayo umabot?” Dagdag na tanong ng lalaking host sa kanilang guest.
Napatanong ang female personality na, “Kailangan sabihan?” sabay paliwanag sa naging relasyon nila, “Feeling ko situationship, oo.”
Ayon sa psychologist na si Susan Albers, 'situationship is a romantic or sexual relationship that hasn't been formalized.
Kuwento pa ng guest sa vodcast na hindi raw din daw sila nagdi-date sa labas at puro chat o di kaya video call lang silang dalawa ng Pinoy celebrity na ito.
Sa sumunod na tanong sa kaniya kung sino raw ang celebrity na nakasalamuha niya na may 'attitude.'
Umamin ito na raw siyang personal na-meet na may masamang ugali.
Sabi niya sa online podcast, “Kahit galit siya parang, minsan hindi ko alam na galit pala siya ganun. Ganun ako.”
RELATED CONTENT: COOLEST PHOTOS OF DASURI CHOI