
Umalingasaw ang hindi kanais-nais na amoy sa kuwarto ng isang male personality matapos nitong maghubad ng kaniyang sapatos at medyas pagkatapos ng kaniyang performance sa isang event.
Sa episode ng Chika Cart noong Miyerkules, Oktubre 28, ibinahagi ng tinaguriang “Chika Authority” na si Jeff Fernando ang mainit-init na blind item na ito.
Kasama niyang nagtalakayan at naghulaan sa nasabing episode sina Baninay Bautista, Donita Nose, at ang dating aktres at modelo na si Iwa Moto.
Ayon kay Jeff, ang blind item ay patungkol sa isang male personality na tila may problemang itinatago sa kaniyang mga paa.
Karaniwan na sa mga artista ang maimbitahan sa mga out-of-town show. Sa isang pagkakataon, nakasama ng male personality ang kaniyang mga staff sa loob ng hotel room na kanilang tinutuluyan.
“After the performance, pagod, pawisan, naghubad ng sapatos, naghubad ng medyas. Nanampal daw 'yung amoy,” kuwento ni Jeff.
Ang hindi kaaya-ayang amoy ay agad umanong kumalat sa buong kuwarto na nagdulot ng biglaang katahimikan habang ang lahat ay nag-uusap. Agad na hinanap ng mga naroon ang pinagmumulan ng amoy.
Paglalahad ni Jeff, “Nakita raw nila na nakahubad na 'yung sapatos at medyas nitong male personality na 'to, kaya nalaman nilang sa kaniya nga nanggagaling.”
Mabuti na lamang at malalapit na kaibigan at kasamahan sa trabaho ang nasa kuwarto, kaya't naging tapat sila at direktang sinabihan ang male personality tungkol sa di kanais-nais na amoy. Dahil dito, agad namang pumunta ang male personality sa banyo upang maghugas ng kaniyang mga paa.
Lalo pang naging kapana-panabik ang hulaan nang mag-iwan si Jeff ng ilang malalaking pahiwatig tungkol sa pagkakakilanlan ng male personality na ito.
Kilala raw ito sa kaniyang mga hit songs na kinakakiligan ng marami, kung saan ang ilan sa mga ito ay mga revival o muling inawit na klasikong kanta.
“Kapag narinig niyo ang boses niya, siya lang ang gano'n. Wala siyang kaboses,” bigay na clue pa ni Jeff.
Hindi raw ito labis na kagwapuhan sa karaniwang tingin, ngunit “gumagwapo” at nag-iiba ang karisma kapag nasa ibabaw na ng entablado at nagpe-perform.
May isang pantig lamang ang kaniyang unang pangalan, habang ang kaniyang apelyido naman ay maaari ring gamiting unang pangalan.
Sino kaya ang male singer na ito na may hindi kaaya-ayang amoy ang paa?
Abangan ang iba pang maiinit at kapanapanabik na hulaan sa “Anonymouse” ng Chika Cart, Lunes hanggang Biyernes, 5:15 p.m. hanggang 6:00 p.m. sa GTV, ATM (Adventure.Taste.Moments) YouTube at sa GMA Network TikTok account! Mapapanood din ang catch-up episode sa Kapuso Stream tuwing 9:30 p.m.
Huwag din palampasin ang Chika Cart Add Pa More! tuwing 6:00 p.m. hanggang 6:30 p.m. sa ATM (Adventure.Taste.Moments) YouTube at sa GMA Network TikTok account.
Manatiling updated sa mga pinakabagong chika, exclusive content, at trending topics sa pamamagitan ng pagbisita sa opisyal na GMA Network website at social media pages ng Chika Cart:
Facebook: https://www.facebook.com/ChikaCartGTV
Instagram: https://www.instagram.com/chikacartgtv/