GMA Logo hula who
(AI Generated Image)
What's on TV

Hula Who: Poging aktor, nahuling may ginagawa sa set kasama ang co-star

Published February 3, 2026 5:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sparkle artist Angel Leighton, inilahad ang tipo niyang lalaki
LPA sa gwa sang PAR, nangin bagyo na | One Western Visayas
Marian Rivera's teacup is from a French fashion house

Article Inside Page


Showbiz News

hula who


Alamin ang natuklasan kay poging aktor sa "Hula Who."

May isang aktor na nahuli raw sa set dahil sa kaniyang "disappearing act."

Ayon sa latest and hottest na chismis mula sa "Salon De Chika" sa TiktoClock, "May kilala ako, isang poging aktor, may hidden talent daw ito dahil magaling daw siya mag-disappearing. Biglang nawawala na lang."

Sa pagpapatuloy ng chikang ito nadiskubre raw ng personal assistant (PA) ni aktor ang itinatago nitong sikreto kung bakit siya nawawala set.

"Mega hanap daw sa kaniya ang kaniyang PA dahil kukunan na ang eksena niya. Naku, wala siya sa set. Sinilip nung PA 'yung kwarto ng mga co-stars niya at ganito ang na-witness."

Ipinakita pa sa skit ng "Salon De Chika" na sa paghahanap ni PA kay poging aktor ay nahuli niya itong may ginagawa kasama ang co-star.

"Nahuli ang aktor na may ka-kissing scene sa kaniyang co-star kahit na wala namang halikan sa script."

Para sa clue sa latest chika na ito, "Ang pangalan niya ay may letrang I, as imbyerna, dahil imbyerna raw si aktor na nahuli sila ng kaniyang co-star.

Hulaan kung sino si poging aktor dito:

Samantala, Abangan ang iba pang mga chika sa "Salon De Chika" sa TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA at sa Kapuso Stream.