
Isang pretty actress na hindi raw tanggap ng pamilya ng kaniyang partner ang latest topic para sa Hula Who.
Ayon sa latest and hottest chismis ng "Salon De Chika" sa TiktoClock, "May kilala akong isang pretty actress, ang chismis, ang kuwento ay parang pang-soap opera ang love life nito. Kasi nga hindi raw siya masyadong bet ng mayamang Chinese na family ng kaniyang partner."
Ipinakita sa skit ng "Salon De Chika" na dinala ng boyfriend si pretty actress sa isang family gathering. Pero si mother ni boyfriend ay may gusto raw na ireto na Chinese girl sa kaniyang anak.
"Kaya raw pala madalas ay cold ang trato ng family ni boy kay pretty actress dahil hindi siya Chinese."
Para sa clue, "Sa pangalan niya may letrang L, as in 'layuan mo ang anak ko,' dahil 'yun daw ang gustong mangyari ng parents ni boy."
Kilalanin si pretty actress dito:
Samantala, abangan ang iba pang mga chika sa "Salon De Chika" sa TiktoClock.
Patuloy rin na subaybayan ang happy time sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA at sa Kapuso Stream.