GMA Logo HULA WHO Pretty actress
AI-Generated
What's on TV

HULA WHO: Pretty actress, nag-inarte sa eksena?

Published July 23, 2026 2:18 PM PHT

Around GMA

Around GMA

House prosecutors reject Robin Padilla's 'one-sided' claims in impeachment trial
PHL’s first hospital-based disability care hub for children opens in Bicol
Quezon City suspends classes on July 27 for SONA 2026

Article Inside Page


Showbiz News

HULA WHO Pretty actress


Kilalanin kung sino si pretty actress at alamin kung bakit naimbyerna ang production sa kanya.

Isang pretty actress na naging cause of delay umano sa production ang bagong kikilalanin sa "Hula Who."

Ayon sa segment na "Sikreto ng mga Borta" ng TiktoClock, "May nalaman akong sikreto tungkol kay pretty actress. Ang tsismis, 'yung isa niyang co-star, napasubo sa eksena dahil sa kaartehan niya."

Sa pagpapatuloy ng kuwentong ito, "Habang nasa gitna raw ng shoot, bigla raw bumack out itong si pretty actress dahil hindi niya raw kaya ang eksena na ipinapagawa sa kanya."

Sa skit sa "Sikreto ng mga Borta" ay makikitang tila nahihilo o nasusuka ang pretty actress, kaya hindi maituloy ang shooting. Nakiusap pa raw siya sa direktor kung puwedeng ang co-star na lang niya ang gumawa ng eksena.

"Ayun na nga ang sikreto ni pretty actress. Dahil sa pag-iinarte nito ay napilitan ang production staff na pagpalitin ang eksena nila ng kaniyang co-star."

Para sa clue tungkol kay pretty actress, "Sa pangalan niya may letrang I, as in imbyerna. Ito raw ang na-feel ng production dahil nagkanda-delay-delay sila sa shooting dahil kay pretty actress."

Kilalanin si Pretty Actress dito:


Samantala, abangan ang iba pang chika sa "Sikreto ng mga Borta" sa TiktoClock. Patuloy ding subaybayan ang happy time sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA at sa Kapuso Stream.