
Isang pretty actress na sobra ang pagka-late ang bagong topic sa Hula Who.
Ayon sa chika para sa Hula Who, "Isang pretty actress, ang chika, na-stress daw to the highest level ang staff sa sariling event. Bakit kaya?"
Sa pagpapatuloy ng chikang ito sinabing, "Kasi nga ready na ang lahat sa event except for her. MIA (missing in action) ang eksena ng lola mo."
Ayon sa skit na ipinakita sa "Salon De Chika" sa TiktoClock, hintay na hintay raw ang reporters sa pagdating ng aktres. Naubusan na rin daw ng pagkain sa event pero missing in action pa rin si pretty actress.
Pagdating naman ni pretty actress ay nangangalahati na ang event at sinabihan siya na nakaalis na ang ibang mga press.
Para sa clue, "Sa pangalan niya ay may letrang U. As in uwing-uwi na raw yung mga bisita kasi walang choice yung organizer kung hindi simulan ang event na wala siya."
Bukod sa clue na ito, may bukingan din sa TiktoClock kung sino na ang nakatrabaho ni pretty actress.
Kilalanin si pretty actress dito:
Abangan ang iba pang mga chika sa "Salon De Chika" sa TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA.