GMA Logo HULA WHO
What's on TV

HULA WHO: Pretty performer, naloka sa request sa isang event?

Published October 15, 2025 6:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Leviste: Cabral files just the tip of the iceberg
Pila ka mga dalan sa Jaro, pasiraduhan bwas para sa Jaro Fiesta opening parade | One Western Visayas
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

HULA WHO


Alamin kung ano ang request at kung sino si pretty performer sa Hula Who.

Isang pretty performer na naloka raw sa request ang latest na chika sa Hula Who.

Ito ang pinakabagong pinag-usapan sa Salon De Chika sa TiktoClock. Ayon sa Salon De Chika segment, "May kilala ako, isang pretty performer. Ang chika, naloka raw ito sa request ng kapwa performer."

Dugtong pa sa kuwentong ito, "Kasi nga na-invite ang grupo nila sa isang event. Bago ang main event performance parang ganito raw ang nangyari."

Ipinakita sa skit ng Salon De Chika na sinabihan daw si pretty performer na huwag masyadong galingan para magkaka-level sila sa performance.

"Kaya noong nag-perform sila, kitang-kita na hindi siya nakakasabay at sino sa kanila ang mas prepared."

Para sa clue sa chikang ito, "Sa pangalan niya may letrang R, dahil nireklamo raw ito sa kanyang performance."

Kilalanin si pretty performer dito:

Abangan ang iba pang mga chika sa Salon De Chika sa TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA.