GMA Logo HULA WHO
What's on TV

HULA WHO: Prime actress, nginudngod sa isang eksena noong extra pa lang

By Kristian Eric Javier
Published October 29, 2024 8:01 PM PHT
Updated October 30, 2024 10:13 AM PHT

Around GMA

Around GMA

2 piloto, nasawi sa pagbagsak ng air cargo plane sa Coron, Palawan
Man who complained of small pay steals P157K from store; arrested
Daig Kayo Ng Lola Ko: Witchikels (Full Episodes Marathon) | Stream Together

Article Inside Page


Showbiz News

HULA WHO


Isa sa pinakamahirap na pinagdaanan ng prime actress na ito ay mangudngod sa kung saan para sa isang eksena.

Isa sa mga pinakahinahangaang aktres ngayon ay minsan nang nakaranas na maingudngod sa kung saan noong nag-e-ekstra pa lang siya.

Ayon sa aktres, isa iyon sa pinakamahirap na pinagdaanan niya noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.

“Dumating pa ako sa point na parang naging extra pa ako ni Bianca (Umali). Sa parang show n'yo ni Ashley Ortega, tapos parang may kailangan ingudngod, ako 'yung nginudngod doon,” kuwento niya.

“Pero isang beses lang naman po 'yun. Okay naman 'kin,” pagpapatuloy pa niya.

Ibinahagi rin ng prime actress na minsan na rin siyang napaalis sa tent habang nagsu-shoot dahil para lang umano sa mga artista ang tent na iyon, at hindi pa siya ganap na artista noon.

Aniya, “Pero okay lang naman po sa akin, that time hindi ko siya dinidibdib kasi hindi naman talaga ako artista that time. Happy ako kasi parang ginagawa ko, meron akong lines, isa, dalawa.”

Sino kaya itong aktres na maraming pinagdaanan noong extra pa lamang siya?

SAMANTALA, TINGNAN NAMAN ANG CELEBRITIES NA INIWAN ANG KANILANG BUHAY SHOWBIZ SA GALLERY NA ITO: