GMA Logo Hula Who primetime actress
AI Generated
What's on TV

Hula Who: Primetime actress, pinagtripan at naranasan ma-'power trip' sa first taping niya noon

By Aedrianne Acar
Published May 12, 2026 10:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Who is Nicole Borromeo? 5 facts about Miss Worldwide Philippines 2026
David Licauco and Vince Maristela team up for Hyrox Hong Kong
Timor-Leste PM to promote Cebu’s tourism

Article Inside Page


Showbiz News

Hula Who primetime actress


Primetime actress nang maranasan ma-power trip: “Since it's my first-time na mag-taping parang ayoko na mag-artista talaga nun.”

Tila bubog ng isang leading lady ang bad experience niya sa isang co-actor at director nang sumalang siya sa pinakauna niyang taping bilang aktor.

Nagbalik-tanaw ang primetime actress nang sumalang sa isang vodcast at dito naalala niya nang ma-power trip siya sa isang soap.

“Hindi naman siya siguro nag-taray, pero siguro, paano ba?”

“Siguro dahil bata pa siya noon tapos parang wala siya sa mood dahil pagod na siya. 'Tapos nung may napili silang i-power trip parang ako 'yung [nandoon], e first ko pa lang 'yun. First-time ko pa lang mag-artista, first-time kong mag-taping nung panahon na 'yun,” kuwento niya sa co-actor niya.

Naalala ng guest na nangyari daw ito sa taping ng soap na Magdalena.

Pagpapatuloy niya, “Nung time na 'yun, sabi sa akin parang minura ako ng director, hindi ko alam kung bakit.

“E, naka speaker may ganun. Tapos after nun 'yung artista na 'yun parang, yeah, baka bata lang siya nun. So, ganiyan na lang 'yung sagot ko. Puwede ba na 'yun na lang sagot ko?”

Nakumbinsi pa rin siya ng podcast hosts na ibulong sa kanila ang mga taong naikuwento niya sa 'Executive Whisper.'

Inilarawan pa ng pretty actress na "traumatic" daw ang insidente na 'yun para sa kaniya.

“Tapos, hindi ko alam 'yung fault ko na wala lang. Gusto lang nila, tapos tawa-tawa lang sila dun. Sabi ko, baka bata lang siya nung time na 'yun.

“Pero naging trauma ko 'yun, since it's my first time na mag-taping parang ayoko na mag-artista talaga nun. Sabi ko sa manager ko nung time na 'yun, 'Gusto ko na lang ng simpleng buhay'.”

Sino-sino kaya ang mga tao na nang power trip sa primetime actress? Alamin sa Hula Who sa VIDEO NA ITO.