GMA Logo HULA WHO
What's on TV

HULA WHO: Serious actor, cause of delay sa set?

Published July 2, 2025 1:54 PM PHT
Updated July 2, 2025 5:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 17, 2025
GMA Network transitions to cloud-based IP distribution via partnership with Synamedia and Telered Technologies and Services Corp.
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News

HULA WHO


Alamin kung bakit naging cause of delay si serious actor, dito:

Isang serious actor ang napabalitang kinainisan dahil sa pagiging cause of delay nito sa set.

Ito ang latest at hottest chika na pinag-usapan sa Salon De Chika sa TiktoClock.

Ayon sa pinakabagong topic sa Salon De Chika, "Isang serious actor, ang chika, naimbey (naimbyerna) raw sa kanya ang mga co-stars niya dahil sa pagiging cause of delay."

Dugtong pa sa chikang ito, "Medyo umiral daw ang pagiging maselan nito."

Base sa reenactment ng Salon De Chika, naligo pa raw kasi ang nasabing serious actor pagkatapos niyang magpa-picture sa mga fans. Nauwi ito sa paghihintay at pagkainip ng co-stars at production staff kay serious actor.

"Na-delay raw ang shooting kasi more waiting daw sila doon sa co-star nilang serious actor. Ang tagal!"

Para sa clue sa latest chika na ito, nagbigay ang Salon De Chika ng isang letra sa pangalan ni serious actor.

"Sa pangalan niya ay may letrang T. As in ang tagal tagal daw maligo ni serious actor."

Panoorin ang video:

Abangan ang ibang hottest chika sa Salon De Chika sa TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA Network.