
Hindi raw makalilimutan ni Shuvee Etrata ang dating co-star na nag-aya sa kanyang kumain ng steak.
Ang naturang aktres ay nakasama raw ni Shuvee sa dating GMA Prime series na Hearts on Ice, ang first-ever figure skating drama series.
Sa Your Honor vodcast nitong Sabado, July 5, inalala ni Shuvee ang mga nangyari nang kailangan na nilang magbayad ng kanilang kinain.
Kuwento niya kina Chariz Solomon at Buboy Villar, “Inaya niya lang ako, [mimics actress's voice]: 'Gusto mo pumunta ng Rockwell?' Nung time na 'yun sabi ko talaga, 'Hala, wala beh ako pera'
“Pero artista man siya, siya kaya ang bida sa aming Hearts on Ice, respeto ko sa kaniya na makipagkaibigan. [Sabi ko], 'Oh sige po, punta po tayo.' Pero nag-chat ako sa tito ko, kailangan ko ng pera.”
Umabot daw ang bill nila ng PhP7,000 at ang mga in-order nila noon ng Kapuso actress ay steak, pasta, at wine.
“Ang akala niya siguro hati kami sa bill, pero sa totoo lang kinabahan na talaga ako nun pagbigay sa bill, ibibigay na niya sa akin ang bill.”
KKB (Kaniya-kaniyang Bayad) ba sila o inilibre si Shuvee Etrata kanyang co-actress? Alamin sa Your Honor video below!
@gmanetwork #YouLOLYourHonor | July 5, 2025: Hindi na nga sanay sa buhay Manila, 7k pa 'yung bill ng dinner! Anong nangyari sa naging unang dinner date nina Shuvee at Ashley sa isang steak house? 👀 #YouLOLOriginals #ShuveeEtrata #YourHonor #AshleyOrtega #CharizSolomon #BuboyVillar #youlolgma #youlol #kapuso #gmanetwork #fyp ♬ original sound - GMA Network
Narito ang full episode ng Your Honor kasama si Shuvee:
Related gallery: The hottest photos of Cebuana beauty Shuvee Etrata