
Malapit na umanong sumabog ang emosyon ng isang sikat na aktres dahil sa pagod at sama ng loob sa kaniyang pamilya. Balitang hindi na kasi nito kayang tiisin ang paulit-ulit na pag-asa sa kaniya ng halos buong angkan.
Sa kamakailang episode ng Chika Cart noong Biyernes, Oktubre 2, nagbahagi ng panibagong blind item ang “Chika Authority” na si Jeff Fernando. Nakasama niya sa nasabing episode sina Baninay Bautista, Donita Nose, at ang TV host-actress na si Gelli de Belen.
Ayon kay Jeff, ang kaniyang blind item ay tungkol sa isang “maganda at sexy na aktres na breadwinner ng pamilya.”
“Mula noong sinuwerte si aktres sa kaniyang career—kaliwa't kanang proyekto, tuloy-tuloy na trabaho, mga out-of-town show, at endorsements—siyempre, kapag maraming raket, malaki rin ang kita, 'di ba?” kuwento ni Jeff.
Dagdag pa niya, hindi na halos makapagpigil ang aktres at muntik na niyang awayin ang kaniyang ina. Bukod kasi sa pagsuporta sa sarili niyang pamilya, tila ginawa na rin siyang tagapagtaguyod ng kaniyang extended family.
Inilahad ni Jeff ang naging sitwasyon: “Ang nangyari, bukod sa pino-provide niya ang para sa sarili niya at sa nanay niya, lumapit pa ang nanay niya at nakiusap: 'Nakshie, kasi 'yung kuryente ng tito at tita mo, 'di pa nababayaran. Problemado sila, baka pwedeng for this month, ikaw muna?'”
Sa unang buwan, bukal pa sa loob ng aktres ang tumulong. Subalit nang sumunod na buwan, muli na namang humingi ang kaniyang ina para sa kaniyang mga kamag-anak.
Dito na raw nagsimulang mag-react ang aktres, dahilan upang magreklamo o magsumbong siya sa kaniyang gwapong kasintahan na isa ring artista.
Pagkatapos ng kuwento, nag-iwan si Jeff ng ilang kapansin-pansing pahiwatig kung sino ang misteryosong aktres.
“Showbiz royalty siya. Meaning, nanay at tatay niya [ay] artista. Pero, 'yung nanay niya hindi na gano'n ka-active ngayon, pero kilala n'yo pa rin kapag narinig n'yo 'yung pangalan,” ani Jeff.
Ayon pa sa kaniya, mayroon daw itong angking “Latina beauty,” at tila napapansin ng mga manonood ang husay at talento nito sa larangan ng pag-arte.
“Lumipat siya ng network,” hirit pa na clue ni Jeff.
Sino kaya ang sikat na aktres na ito?
Abangan ang iba pang maiinit at kapanapanabik na hulaan sa “Anonymouse” ng Chika Cart, Lunes hanggang Biyernes, 5:15 p.m. hanggang 6:00 p.m. sa GTV, ATM (Adventure.Taste.Moments) YouTube, at sa GMA Network TikTok account!
Mapapanood din ang Catch-Up Episode sa Kapuso Stream tuwing 9:30 p.m.
Huwag ding palampasin ang Chika Cart Add Pa More! tuwing 6:00 p.m. hanggang 6:30 p.m. sa ATM (Adventure.Taste.Moments) YouTube at sa GMA Network TikTok account.
Manatiling updated sa mga pinakabagong chika, exclusive content, at trending topics sa pamamagitan ng pagbisita sa opisyal na GMA Network website at social media pages ng Chika Cart:
Facebook: https://www.facebook.com/ChikaCartGTV
Instagram: https://www.instagram.com/chikacartgtv/
X: https://x.com/ChikaCartGTV