GMA Logo HULA WHO
What's on TV

HULA WHO: Singer-actor, nag-tantrums sa set?

Published January 6, 2026 3:32 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sinulog 2026 fluvial procession brings the Sto. Niño from Mactan to Cebu
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

HULA WHO


Bakit nga ba nag-tantrums sa set ang singer-actor? Alamin ito sa 'Hula Who.'

Para sa latest chika ng Hula Who, isang singer-actor ang napabalitang nag-tantrums sa set.

Ayon sa "Salon De Chika" ng TiktoClock, "May kilala akong isang poging singer-actor. Ang chika, minsan na raw itong nag-tantrums. Bakit kaya siya nag-tantrums?"

Ipinaliwanag sa chika na ito ang dahilan ni singer-actor. "Kasi mayroon pala siyang pet peeve, ayaw na ayaw niya na naririnig ang mga hit songs niya habang nasa set."

Ipinakita naman sa skit sa TiktoClock kung paano nag-tantrums si singer-actor noong narinig niya na pinatutugtog ang hit songs niya sa set.

Saad pa sa chikang ito, "Tuluyan na nag-tantrums ang poging singer-actor at hindi na siya lumabas sa dressing room."

Para naman sa clue ng chikang ito, "Ang pangalan niya ay may letrang I, as in imbyerna. 'Yan daw ang naramdaman niya tuwing naririnig niya ang kanyang hit songs habang nasa set."

Kilalanin si singer-actor dito:

Abangan ang iba pang mga chika sa Salon De Chika sa TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 a.m. sa GMA.