
Isang singer-actress ang napapabalitang hindi makilala dahil para siyang isang chameleon.
Base sa latest and hottest chika sa Hula Who, ito ay dahil hindi raw makilala si singer-actress in person.
Ayon sa chikang ito na mula sa "Salon De Chika" sa TiktoClock, "Dahil magaling daw siyang mag-blend in sa crowd. Sa sobrang galing niya hindi siya agad mahanap."
Base pa sa skit na ipinalabas sa "Salon De Chika," hindi nakilala ng staff si singer-actress, "Kasi nga maaga naman daw itong dumating sa event, pero hindi siya agad-agad nakikilala ng staff sa event."
Dugtong pa sa chikang ito, "Nagulat nga raw ang staff dahil ibang-iba raw ang face ni singer-actress kapag walang funda at blush on."
Para sa clue, "Sa pangalan niya may letrang O. As in OMG. Dahil 'pag nakikita si singer-actress ganon na ganon ang reaksyon."
Kilalanin si singer-actress dito:
Abangan ang iba pang mga chika sa "Salon De Chika" sa TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time at bigayan ng blessings sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA.