
Napa-hashtag "shocking" si Madam Chair Tuesday Vargas sa episode nila sa Your Honor nang ibahagi sa kanila ng multi-awarded TV host at manager na si Boy Abunda ang isang "fake news" na ikinalat sa kaniya mahigit isang dekada na ang nakaraan.
Binalikan ng King of Talk ang insidente sa kaniyang buhay nang tanungin siya ni Tuesday na: “Sino po ang taong nagkalat ng fake news tungkol sa inyo?”
“Napakadami”, hirit ni Boy. Sabay sabi, “Wala ako maalala to be very honest.”
Lumapit na si Tuesday para sa ibubulong ng award-winning host.
Biglang sumagot ito na: “The worse rumor that was, para sa akin ah. That was spread, hindi ko talaga ma-trace. Nung ako'y nagkasakit 2013 or 2012, for the first-time 'yun lang ang pagkakataon na ako ay na-ospital.
“Dahil hindi naman ako sanay sa ospital, 2011-2012 yata na ako ay namatay. I was in a resort at ako ay nag-YouTube pinanonood ko 'yung eulogy sa akin na paalam, Tito Boy.
“Totoo 'yun. Who did that, hindi ko alam. Pero spend a lot of time, resources to be able to do that e, lahat naman yata tayo pinatay na. Pero 'yun talaga ang hindi ako, makapaniwala that someone would actually spend time and effort para patayin ka.”
Muling panoorin ang big revelation na ito ng King of Talk na si Boy Abunda sa Your Honor sa video below.
RELATED CONTENT: BIGGEST REVELATIONS OF FTWBA IN 2024