GMA Logo HULA WHO
AI Generated
What's on TV

HULA WHO: Social media star, naranasang pagsabayin ng ex?

By Kristine Kang
Published August 30, 2026 12:51 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Occasional rains expected over Luzon, western Visayas due to habagat — PAGASA
Subangdaku Flyover sa Mandaue City, Gisirad-an | Balitang Bisdak
GMA Pictures gives first look at upcoming film 'Red Crown'

Article Inside Page


Showbiz News

HULA WHO


Sino itong vlogger na inaming pinagsabay siya ng kanyang ex sa iba? Alamin dito.

Tila ramdam ang gigil at hugot ng isang influencer dahil nakaka-relate pala ito sa usapang panloloko sa pag-ibig!

Sa isang episode ng original game show na The People Have Spoken, humarap ang celebrities at People sa tanong na: "Sa isang relasyon, alin ang mas ayaw mong mangyari: pagsabayin kayo o iwan ka para sa iba?"

Diretsong sinagot ng naturang queer star na ang pagsasabayin sa iba ang pinakamasakit sa isang relasyon.

"Ang nakikita ko kasi madaming bakla sa audience. Kami kasi, gusto namin kami lang. Ayaw namin ng kahati. 'Di ba?" aniya.

"Galit?" pabirong tanong ni Heart Evangelista.

"May experience lang, charet," sagot ng vlogger.

Ang Kapuso host, tila ready na awayin kung sino mang ex ng influencer.

"Ano'ng pangalan?" tanong ni Heart.

"Ay! Shout out ko ba? 'Wag na, jusko naman," hirit ng influencer.

May hula ka na ba kung sino siya ? Alamin ang kasagutan DITO.

Samantala, subaybayan ang The People Have Spoken, tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa GMA. Mapapanood din ito via Kapuso Stream sa social media accounts ng GMA at YouLOL.

Available rin ang buong episode at mga highlight clip sa GMANetwork.com at YouLOL official accounts.