
Isang sosyal na aktres ang naloka raw nang makaharap niya ang sariling mukha. Siya ang kikilalanin sa latest na "Hula Who".
Ayon sa segment na "Sikreto ng mga Borta" ng TiktoClock, "May nalaman akong sikreto tungkol kay sosyal na aktres. Ang tsismis, naloka raw ito sa sarili niyang mukha."
Pagpapatuloy ng kuwentong ito, "Kasi nga na-invite siya sa unveiling ng artwork na inspired by her. Pero ganito ang nangyari, kaya naloka siya."
Sa isinagawang skit, ipinakita na sa unveiling ay napa-"Ako 'yan?" si sosyal na aktres. Pagdating sa picture-taking kasama ang artwork, umayaw na si sosyal na aktres.
Saad pa sa kuwento, "Hindi siya masaya sa artwork pero tinanggap na lang niya at nagpasalamat."
Para sa clue tungkol sa sosyal na aktres, "Sa pangalan niya ay may letrang A as in, ako talaga 'yan? Dahil ito raw ang major question ng sosyal na aktres."
Kilalanin si sosyal na aktres DITO:
Samantala, abangan ang iba pang chika sa "Sikreto ng mga Borta" sa TiktoClock. Patuloy ding subaybayan ang happy time sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA at sa Kapuso Stream.