GMA Logo Hula Who
What's on TV

Hula Who: Stand-up comedian, sinabi ang artista na nagparetoke pero hindi gumanda!

By Aedrianne Acar
Published August 16, 2025 8:00 PM PHT
Updated August 17, 2025 4:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump wants nations to pay $1 billion to stay on his peace board, report says
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Hula Who


Celebrity na nagpa-retoke, bakit 'tila hindi gumanda?

Extra juicy para sa mga Ka-YouLOL ang naging sagot ng stand up comedian na si Wacky Kiray tungkol sa isang celebrity na nagparetoke.

Bisita si Wacky sa Your Honor nitong Sabado, August 16, at sa "Executive Whisper" portion, sinagot nito ang tanong ni Chariz Solomon na: “Sa lahat ng mga celebrities na nagparetoke, para sa'yo sino 'yung hindi gumanda?”

Ayon sa comedian nagulat siya sa naging resulta ng cosmetic enhancement ng naturang celebrity.

“Maganda na kasi siya, nagulat lang kami na nagparetoke uli siya. Nung nagpa-retoke siya, nagulat kami bakit naging ganun 'yung kinalabasan.”

“Sobrang ano siya, sobrang haba nung ginawa.”

Sa episode ng Your Honor, aminado si Wacky Kiray na "proud retokada" rin siya at nagpa-enhance siya ng ilong, noo, at pisngi.

Kuwento niya sa House of Honorables, “Nung nagsimula ako sa comedy bar, hindi talaga ako maganda. Matagal ako naging pangit. Actually, napagod ako [sa] pagiging pangit, e… Naka-ipon ng konti, nagpa-enhance lang naman ako.”

Mahulaan n'yo ba ang Hula Who ni Wacky Kiray?

Panoorin ang episode ng Your Honor sa video below.

One Click Lang! Mae-enjoy mo na lahat ng mga Kapuso comedy shows sa YouLol. Kaya mag-subscribe na sa Official Kapuso Laugh Channel on Youtube.

RELATED CONTENT: CELEBRITIES NA PROUD RETOKADA