GMA Logo hula who
What's on TV

Hula Who: Superstar actress at TV host husband, paano naging tahimik ang married life?

By Bianca Geli
Published December 21, 2024 5:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

YouTuber Vitaly on Philippine imprisonment: 'They really tried to break me, but it built me'
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

hula who


Paano naging malayo sa mga intriga ang pagsasama ng isang superstar actress at mister niyang TV host?

Isang award-winning drama actress na nakilala simula pa noong dekada '90 ang nagbalik-tanaw sa kanyang naging career.

Mula sa pagiging bida sa ilang mga long-running teleserye noong 90's, hanggang sa pagiging "master chef," at pagiging ina, isa siya sa mga naging haligi ng industriya.

Mula nang ikasal noong 2009 sa isang TV host hanggang sa magkaroon na ng tatlong anak, naging tahimik sa publiko at pribado sina Superstar Actress at TV host.

Sa panayam ni Superstar Actress kay Ogie Diaz, nabanggit niya ang sikreto niya kung paano naging matiwasay ang kanyang buhay may asawa.

"'Yung personal na nangyayari sa loob ng bahay, it should remain inside the house.

"Never wash your dirty linen in public.

"Kasi mas lalong hindi maaayos pag nag-involve kayo ng ibang tao.

"Kung kami lang ang may issue, kami ang dapat mag-uusap, at kami lang ang dapat mag-ayos.

"So, 'yung private life namin, as much as possible, we want to keep it private.

"But, not too private in a way na hindi nakaka-relate 'yung mga tao.

"Kasi nakikita naamn nila kaming lumalabas.

"Hindi naman kami masungit, pero pagdating sa personal issue, kami lang ito.

"Huwag na natin tong palakihin.

"Hindi naman namin pinagusapan 'yan. Parang given na 'yun.

"Huwag na tayo magparinigan sa Instagram.

Gayunpaman, naiintindihan naman daw ni Superstar Actress ang mga gustong maglahad ng kanilang pinagdaanan sa social media.

"Pero, get ko 'yung iba na out of your emotion, babaling ka sa social media 'eh.

"Kasi kapag nag-su-scroll ka tapos may nakita kang quote na applicable sa'yo, i-stories mo.

Tahimik man ang kanyang family life, aminado siyang may mga naging insecurity rin siya bilang aktres.

"Hindi m matatanggal talaga 'yung kapag ang tagal mo na rin naman kasi hindi umaarte, di ba?

"May insecurity ka 'eh, may question ka pa rin talaga na, 'Kilala pa ba ako?

"Anybody can be a celebrity with the social media platforms now.

"Pero, may mali ka lang nagawa, madaling-madali ka rin naman makakalimutan.

"Hindi naman ako bumabase na ilang dekada na ako dito, pinakamatagal na ako dito...pinaka-loyal ako dito.

"Hindi siya basically nagma-matter sa kanino mang tao.

Panoorin ang buong video: