GMA Logo Two Kapuso actresses
What's on TV

Hula Who: TV actress, matagal na hindi pinansin ang isang 'Sang'gre' star?

By Aedrianne Acar
Published February 9, 2026 4:33 PM PHT
Updated February 9, 2026 5:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Hungarian Udvardy says she received threatening messages to lose match
Poblacion's Scratch and Cubao's Best of Luck are opening in this QC township
ICC Appeals Chamber: Duterte to remain in detention

Article Inside Page


Showbiz News

Two Kapuso actresses


May girl code pa ba sa show business? Isang kilalang TV actress ang umaming matagal silang hindi nagpansinan ng isang 'Sangˈgre' star matapos nitong i-date ang kaniyang ex.

Napa-'Oh my gosh' ang isang versatile TV actress nang sumalang sa isang vodcast dahil natanong siya ng mga host tungkol sa isang celebrity na nakaalitan niya.

Ikinuwento ng female showbiz personality na meron isang Sangˈgre actress na hindi raw sila nagpansinan ng ilang taon kahit nagkikita sila sa bakuran ng GMA Network dahil naka-date nito umano ang kaniyang ex-boyfriend.

Lahad niya sa sikat na Kapuso podcast sa Spotify, “Nagkaroon ng beef?” Habang nag-iisip bigla niya naalala, “Hindi naman actually away na malala.”

“Napag-usapan na rin namin na okay na rin kami ngayon… Alam mo sobrang love ko 'yan, kasi nung mga bagets kami teenage days talaga, kaya lang naman nagkaroon ng beef kasi 'yung ex ko, parang naka-date niya.

“Yun, 'yung ex ko, naka-date niya 'tapos dun ako na parang, 'Shucks! Walang girl code'.”

“Tapos, parang I think after four years nagkasama kami sa workshop, 'tapos siya 'yung lumapit sa akin.”

Sobrang na-appreciate daw ito ng mestiza actress. Aniya, “Tapos, sabi niya, sorry sa mga nangyari before and everything. Kasi, hindi kami nagpapansinan nun after that happened na parang 'pag nandiyan siya [or] nagkikita kami sa GMA, kumbaga may wall. Pero, hindi kami nag-aaway.”

“May boundaries na hindi kami nag-uusap, may wall lang. Wala naman alitan na nangyari, hanggang sa she came to me napag-usapan namin. [Sabi ko], hindi okay na, okay na.”

Sino kaya itong Sangˈgre' star na tinutukoy ng versatile drama actress sa ating Hula Who?

Alamin sa video below:

The sparkling career highlights of Ashley Ortega