
"Hindi ganun ang asawa ko."
Ito ang diretsahang sagot ng isang TV actress sa mga sinasabi ng tao tungkol sa kanyang non-showbiz husband.
Sa naging guesting niya sa isang vodcast, nilinaw niya ang mga maling impormasyon tungkol sa mister na pinakasalan niya noong 2021.
Binigyan diin ng aktres na hindi konektado sa money laundering ang asawa at hindi rin daw ito billionaire.
“Nakakatawa kasi ang daming comment ng mga tao na parang ''yung asawa ko raw nasa money laundering,' ganyan. Oo! Tapos sinasabi pa na multi-billionaire, ganyan, may mga hotels daw sa China.
“Alam mo ba, naisip ko lang [kapag] Chinese ang asawa mo or partner mo parang feel nila agad na may ari-arian sa China. 'Pag Chinese agad ganun, pero hindi! Walang helicopter ˈyung asawa ko, walang mga yacht. Hindi ganun ang buhay niya.”
Paglilinaw pa niya, “Nasa food business siya, chef siya ng company nila, pero family business siya. So, sila rin ang may-ari.”
RELATED CONTENT: Meet Kris Bernal's husband, Perry Choi