GMA Logo Hula Who tv comedian host
Photo: AI generated
What's on TV

HULA WHO: TV comedian host, 'doble kara' sa isang event?

Published March 30, 2026 4:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Peso dives to record low against dollar at P60.69:$1 amid global oil price surge
Barangay exec, driver hurt in Maguindanao shooting
On the Spot: Blue is the color for these beauty queens

Article Inside Page


Showbiz News

Hula Who tv comedian host


Alamin kung bakit naloka ang staff sa event dahil sa ginawa ng comedian host.

Tampok sa latest chika ng Hula Who ang isang TV comedian host na nagpakita ng kaniyang doble-kara personality.

Ayon sa segment ng TiktoClock na "Sikreto ng mga Borta," "May nalaman akong isang sikreto tungkol kay comedian host. Ang tsismis, hindi raw kinaya ng staff sa isang event ang pagiging doble kara nito."

Sinundan pa ito ng ilang detalye tungkol sa ginawang pagdedma ng TV comedian.

"Noong dumating daw ito sa isang event, binati siya ng isang staff, pero dinedma niya ito."

Ipinakita naman sa skit ng "Sikreto ng mga Borta" ang ginawang eksena ni TV comedian sa isa sa mga nag-welcome sa kaniya sa event.

Laking gulat nito at nag-iba nga raw ang ihip ng hangin nang sabihan siya ng staff na ang dinedma niya ay ang kanilang boss.

"Ayun na nga ang sikreto ng TV comedian. From deadma, naging feeling close kasi nalaman niya nga na boss pala ang mga kausap niya."

Para sa clue sa latest na kuwento na ito, "Sa pangalan niya may letrang P, as in plastikadang palaka. Hindi raw kinaya ng mga staff na naka-witness sa mga nangyari."

Kilalanin si TV comedian dito:

Samantala, abangan ang iba pang mga chika sa "Sikreto ng mga Borta" sa TiktoClock. Patuloy rin na subaybayan ang happy time sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA at sa Kapuso Stream.