GMA Logo hula who
What's on TV

Hula Who: TV Personality, uma-attitude sa likod ng camera?

Published May 2, 2026 1:21 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Who will be the prosecutors in VP Sara Duterte's impeachment trial?
GMA Pictures finds Ella Arcangel voice talent, teases netizens to guess who it is
OFWs repatriated due to Middle East crisis welcomed at job fair

Article Inside Page


Showbiz News

hula who


Kilalanin si TV personality at alamin kung bakit naloloka ang mga katrabaho nito.

Isang TV personality ang napapabalitang diva sa set.

Ito ang bagong kuwento na dapat alamin sa Hula Who. Ayon sa segment ng TiktoClock na "Sikreto ng mga Borta," "Ang tsismis, more diva at more attitude daw ito sa likod ng camera."

Pagpapatuloy sa tsismis na ito, "Kasi nga daw ang dami nitong demand habang nagho-host ng isang show."

Ipinakita sa skit kung paano mag-demand at mag-attitude ang TV personality sa set. Pati dancers at angles ng camera pinapakialaman na ni TV personality.

"Pagod na pagod na 'yung mga guests. Nagsayaw na lahat ng staff at katrabaho, dahil ang dami nitong demands off cam. Pero pagharap sa camera, naku, nagbabait-baitan."

Para sa clue tungkol kay diva TV personality, "Sa pangalan niya, may letrang A. As in afraid, dahil ang daming may afraid sa kaniya once nag-attitude."

"Kailangan 'pag kasama siya, ready kayo at susunod kayo kasi marami siyang demands. Pero magaling 'to."

Kilalanin si TV personality na may letrang A dito:

Samantala, abangan ang iba pang chika sa "Sikreto ng mga Borta" sa TiktoClock. Patuloy din na subaybayan ang happy time sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA at sa Kapuso Stream.