
Nilaglag ng comedian ang host sa mismo nilang podcast ang kanyang female co-host na matindi ang “trip” kapag nalalasing ito.
Naging guest sa kanilang viral podcast ang isang magka-loveteam at napunta ang kuwentuhan nila sa memorable na nangyari noong una silang uminom.
Lahad ng mestiza aktres tungkol sa kanyang ka-loveteam, “Grabe 'yun! Kasi ano po 21st birthday niya sa Bora (Boracay), kasama namin sila Sean Lucas, sila Bryce, Prince Carlos. So, ako puwede naman ako pero hindi talaga ako uminom. As in nakaupo talaga ako parang Tita talaga dun, nagbabantay.”
“As in ano, na-stress ako nun, kasi baka mamaya, shucks! Sabihin bad representation kami ng kabataan. Kasi, hindi na talaga siya makalakad!” saad ng aktres sa podcast hosts.
Umamin naman ang promising heartthrob: “Nawala ako sa sarili ko, nilasing ako. Yun kasi 'yung first-time na uminom ako, kasi before talaga hindi ako umiinom kasi nagkaka-rashes ako.”
Dito na nagbiro ang lalaking host na 'tila pinapatamaan ang kaniyang co-host.
Hirit niya, “Ikaw ba 'yun 'pag nalalasing ka ba nag-uuwi ka nung traffic cone? Tinatanong ko lang, mini-make clear ko lang kasi 'pag ako nalalasing ako kung minsan humihiga ako sa karton ng hindi ko naman karton.
“Minsan, may tropa ako nalalasing, nag-uuwi ng traffic cone. Ganun ka ba?”
Sa sobrang tawa, napalo ng versatile actress at host ang kanyang partner.
Sabay pag-amin ng comedienne, “Uy, binalik ko po ah the next day.”
“[Sabi ko], bakit may traffic cone diyan?' Binalik ko po. Sorry na.”
Balikan ang masayang kuwentuhan tungkol sa “maoy” moment ng guwapong aktor at female host sa video na ito.
RELATED CONTENT: Funniest moms in showbiz!