GMA Logo HULA WHO
What's on TV

HULA WHO: Versatile actress, naalala ang isang co-star na napikon sa kanya

By Aedrianne Acar
Published September 25, 2025 6:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Marcelito Pomoy nang makamayan si Donald Trump sa isang event: 'Once in a lifetime lang po 'yon'
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

HULA WHO


May malaking pag-amin na namang nangyari sa House of Honorables!

Biglang napa-open up ang isang versatile actress at singer sa isang vodcast nang maalala ang dati niyang co-star.

Bulalas niya, meron siyang dating nakatrabaho na tila napikon sa kanya at lumamig na ang pakikitungo.

Pag-amin ng aktres, “Siguro may isa akong parang naka-ano, nasabi ko 'to sa isang podcast na na-interview ako na parang hindi lang kami naging friends after. Parang hindi na kami nagkabatian na, natapos 'yung show na parang inis siya sa akin, ganun."

Sabat naman ng host ng vodcast, “Pero bihira 'yun para na makuhanan ka ng ganung emosyon.”

Tugon ng Sparkle actress, “Bihira nga! Parang nagkapikunan siguro kami, parang napikon siya sa akin.”

RELATED CONTENT: Celebrities who ended their conflict