GMA Logo hula who from chika cart
AI-Generated
What's on TV

Hula Who: Veteran Actress, "farm girl" sa harap ng camera, diring-diri naman daw pagkaalis ng mga bisita!

By Mark Joseph F. Carreon
Published November 4, 2026 4:49 PM PHT
Updated November 4, 2026 5:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Democratic takeover of US Congress: What happens next
Anonymouse: Veteran Actress, "farm girl" sa harap ng camera, diring-diri naman daw pagkaalis ng mga bisita!
This local gummy supplement combines stem cell extract and glutathione for better skin

Article Inside Page


Showbiz News

hula who from chika cart


Veteran actress, living the farm life, pero sa totong buhay ay ayaw raw marumihan?

Kilala bilang isang mahusay at versatile na artista ang isang veteran actress, mapabida man o kontrabida, kayang-kaya niyang gampanan. Subalit, tila mas matindi raw ang ipinapakita niyang "pag-arte" kapag nakaharap na ang mga camera sa kaniyang sariling farm!

Sa episode ng Chika Cart noong Martes, Nobyembre 3, ibinahagi ng tinaguriang “Chika Authority” na si Jeff Fernando ang isang mainit-init na blind item.

Kasama niyang nagtalakayan at naghulaan sa nasabing episode sina Baninay Bautista, Donita Nose, at ang dance group na The Manoeuvres.

Ayon kay Jeff, ang bida sa blind item ay isang kilalang veteran actress na nagmamay-ari ng isang farm. Kuwento niya, uso ngayon sa mga showbiz personalities at celebrities ang bumili ng farm upang magkaroon ng lugar na mapagpapahingahan kapag walang trabaho.

Labis na nasiyahan ang aktres sa kinalabasan ng kaniyang farm, kaya't ninais niya itong gawing isang ganap na tourist attraction.

“Itong si veteran actress, tuwang-tuwa sa kinalabasan ng kaniyang farm. Gusto niya na mapaingay na meron siyang farm... Gusto niyang maging tourist attraction ang farm niya. Nag-aya siya ng mga vloggers sa farm niya para nga naman ma-expose ['yung farm] at ma-interview siya,” kuwento ni Jeff.

Nang dumating na ang inimbitahang vloggers, todo-bigay naman si veteran actress sa pagpapanggap bilang isang tunay na farm girl.

Nanggaling siya sa iba't ibang eksena: tumuntong sa silya kunwari'y may inaabot na prutas, nakaluhod sa lupa habang nagtatanim ng gulay, at naglusong pa sa tubig para mag-harvest ng kangkong.

“Talagang hands-on; nagpapapictorial na puro putik ang kamay habang may dalang fruits at gulay,” dagdag pa ng “Chika Authority.”

Tuwang-tuwa naman ang mga vloggers dahil sa ipinakitang game na game na attitude ng aktres, na sigurado raw na maghahakot ng mataas na engagements at views.

Related Gallery: Filipino celebrities who own farms

Subalit, ang tunay na kulay ng eksena ay lumabas diumano nang makaalis na ang mga bisita. Pagkaalis na pagkaalis daw ng vloggers, nagmamadaling tumakbo ang aktres para maligo dahil diring-diri raw ito sa dumi at putik na kumapit sa kaniyang katawan!

Lalo pang naging kapanapanabik ang hulaan nang mag-iwan si Jeff ng karagdagang clue tungkol sa pagkakakilanlan ng aktres: “Effective siyang bida, effective siyang kontrabida.”

Sino kaya ang veteran actress na ito na tila pang-best actress din ang aktehan sa kaniyang sariling farm?

Abangan ang iba pang maiinit at kapanapanabik na hulaan sa “Anonymouse” ng Chika Cart, Lunes hanggang Biyernes, 5:15 p.m. hanggang 6:00 p.m. sa GTV, ATM (Adventure.Taste.Moments) YouTube at sa GMA Network TikTok account!

Mapapanood din ang catch-up episode sa Kapuso Stream tuwing 9:30 p.m.

Huwag din palampasin ang Chika Cart Add Pa More! tuwing 6:00 p.m. hanggang 6:30 p.m. sa ATM (Adventure.Taste.Moments) YouTube at sa GMA Network TikTok account.

Manatiling updated sa mga pinakabagong chika, exclusive content, at trending topics sa pamamagitan ng pagbisita sa opisyal na GMA Network website at social media pages ng Chika Cart:

Facebook: https://www.facebook.com/ChikaCartGTV

Instagram: https://www.instagram.com/chikacartgtv/

X: https://x.com/ChikaCartGTV