GMA Logo HULA WHO
AI Generated Image
What's on TV

HULA WHO: Veteran kontrabida, imbyerna sa co-star?

Published August 7, 2026 6:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Martin Romualdez placed in QC Jail infirmary with PDLs under medical monitoring -BJMP
What We Know So Far, Matan-aw na | Balitang Bisdak
Philippine Travel Mart showcases the best of the country

Article Inside Page


Showbiz News

HULA WHO


Kilalanin kung sino si veteran kontrabida at alamin kung bakit naimbyerna siya sa kanyang co-star?

Isang veteran kontrabida na napabalitang imbyerna raw sa kanyang co-star ang latest chika ng "Hula Who."

Ayon sa segment na "Sikreto ng mga Borta" ng TiktoClock, "May nalaman akong sikreto tungkol sa veteran kontrabida. Ang tsismis, hindi raw umubra sa kanya ang pag-iinarte ng co-star."

"Medyo intimidating daw talaga itong si veteran kontrabida. Kaya naman noong nalaman ng co-star na magkakaeksena sila, ganito ang nangyari."

Ipinakita sa skit ng "Sikreto ng mga Borta" ang eksena nina veteran kontrabida at co-star sa set. Nakiusap si co-star sa direktor nila na huwag siyang sampalin ng veteran kontrabida dahil bagong pagawa raw ang face niya. Nainis naman daw si veteran actress noong ni-reveal ito sa kanya dahil ang tagal na raw ng script nila, tapos biglang ipababago ng co-star ang kanilang eksena.

"Ayun na nga ang sikreto ng veteran actress. Willing to adjust naman siya, pero kailangan tuloy ang pang-aapi sa co-star."

Para sa clue tungkol sa veteran kontrabida, "Sa pangalan niya ay may letrang A, as in afraid. Dahil manginginig ka raw talaga sa takot kapag kaeksena mo siya."

Kilalanin si Veteran Kontrabida dito:

Samantala, abangan ang iba pang chika sa "Sikreto ng mga Borta" sa TiktoClock. Patuloy ding subaybayan ang happy time sa TiktoClock, Lunes hanggang Biyernes, 11:00 am sa GMA at sa Kapuso Stream.