GMA Logo Mga Lihim ni Urduja
What's on TV

Huling dalawang linggo ng 'Mga Lihim ni Urduja,' dapat tutukan!

By Abbygael Hilario
Published April 24, 2023 6:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

HPG officer relieved after mauling patrolman
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Mga Lihim ni Urduja


Tutukan ang mas matitinding eksena sa 'Mga Lihim ni Urduja,' Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.

Huling dalawang linggo na ng mythical primetime mega serye ng taon na Mga Lihim ni Urduja!

Sa nalalapit na pagtatapos ng action-adventure series, abangan ang mas maiinit na labanan sa pagitan ng Bounty Hunters at Team Urduja.

Lalo pang titindi ang giyera para sa mga nawawalang hiyas ng pinakamakapangyarihang hara (Sanya Lopez).

Sa mga susunod na episode ay malalaman na ni Gemma Davino (Kylie Padilla).

Habang tumatagal ay pagdududahan naman ng Team Urduja si Maestro Marius! Iniisip nila na may posibilidad na si Maestro Marius at Chairman Marcel ay iisang tao lang.

Unti-unti namang masisira ang tiwala ng Bounty Hunters sa isa't isa dahil sa kanilang kasakiman pagdating sa kapangyarihan!

Mapagtatagumpayan kaya ng Team Urduja ang kanilang misyon?

Sino kaya ang nasa likod ng pagkabuhay ni Crystal? May kinalaman kaya ang mga hiyas dito?

Totoo nga bang iisang tao lang si Maestro Marius at Chairman?

Alamin ang mga kasagutan sa Mga Lihim ni Urduja, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m., sa GMA Telebabad.

TINGNAN ANG MGA BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA SET NG 'MGA LIHIM NI URDUJA' SA GALLERY NA ITO: