
Marami ang nabigla sa pagpanaw ng komedyanteng si Kim Idol kamakailan matapos itong matagpuang walang malay noong July 9, Huwebes, at kinailangang ilagay sa life support noong naisugod na ito sa ospital.
Nitong July 13 ay tuluyan nang sumakabilang-buhay si Kim matapos ang ilang araw na nasa kritikal na kondisyon.
Lingid sa kaalaman ng marami, si Kim ay mayroong Arteriovenous Malformation, isang rare medical condition kung saan may abnormalidad sa blood vessels na kumokonekta sa arteries at veins sa utak.
Ngunit ganoon pa man, pinili pa rin ng masiyahin at matulunging si Kim Idol na magsilbi bilang volunteer frontliner ngayong panahon ng pandemya.
Ang nanay ni Kim na si Maria Argente ay lubos na nagdadalamhati sa pagkawala ng komedyante at nagbigay-pugay ito para sa kanyang anak sa Facebook.
We would like to thank you all for the overwhelming love and support for Kim and our family. For all the Emotional,...
Posted by Maria Taniegra Argente on Monday, July 13, 2020
Ngayong Agosto, magdiriwang ng kaarawan ang nanay ni Kim.
Nakakalungkot man na hindi na naabutan ni Kim ang kaarawan ng ina at hindi na niya personal na masosorpresa ito, sa tulong ng mga kaibigan ni Kim, gagawan pa rin ng paraan ng 'Wish Ko Lang' upang matupad ang wish ni Kim para sa ina.
Nanay ni Kim Idol na si Maria Argente / @maria.taniegraargente (FB)
PANOORIN: Huling performance ni Kim Idol
Manood ng 'Wish Ko Lang' at manalo ng gadgets at GMA Affrodabox!