
Kaabang-abang ang mga susunod na eksena sa huling linggo ng GMA Prime series na Asawa Ng Asawa Ko ngayong paunti-unti nang nalalaman ni Cristy (Jasmine Curtis-Smith) ang mga sikretong tinatago sa kanya ng mga tao.
Alam na ni Cristy na si Leon (Joem Bascon) ang nagturo sa kapatid niyang si Shaira (Liezel Lopez) kung saan nagtatago si Jordan (Rayver Cruz) noon na naging sanhi ng pagkamatay nina Carmen (Gina Alajar) at Ka Usa (Elizabeth Oropesa).
Ngayong huling Lunes ng Asawa Ng Asawa Ko, mahuhuli na kaya nina Jordan si Shaira sa patimbong na ginawa nila? O makakahanap pa rin siya ng paraan para matakasan ang nag-aantay na higanti ni Cristy?
Abangan ang huling linggo ng Asawa Ng Asawa Ko, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Prime.