
Sa huling limang araw ng Las Hermanas, magkakaalaman na kung ano ang mangyayari sa magkakapatid na Dorothy (Yasmien Kurdi), Minnie (Thea Tolentino), at Scarlet (Faith Da Silva).
Tinakwil na kasi ni Dorothy si Minnie dahil sa mga ginawa nito sa kanilang pamilya. Samantala, mas lalong pinahirapan ni Lorenzo (Albert Martinez) si Scarlet dahil pa rin sa kagagawan ni Minnie.
Mapapatawad pa kaya ng Manansala sisters ang isa't isa?
Panoorin ang huling linggo ng Las Hermanas sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga!