
Mapapanood na ang huling linggo ng GMA Afternoon Prime series na Prinsesa Ng City Jail ngayong bumalik na sa loob ng kulungan si Divina (Denise Laurel).
Tinangka ni Divina na patayin si Princess (Sofia Pablo) ngayong alam na nina Sharlene (Beauty Gonzalez) at Raymond (Dominic Ochoa) na siya ang tunay nilang anak.
Ngayong nasa loob na ng kulungan si Divina, mapipigilan niya pa kaya ang masayang pamilya ng mga Cristobal?
Panoorin ang huling linggo ng Prinsesa Ng City Jail, Lunes hanggang Sabado, 2:30 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.