GMA Logo return to paradise
What's on TV

Huling linggo ng 'Return To Paradise,' mapapanood na simula mamaya!

By Dianne Mariano
Published October 31, 2022 12:09 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

return to paradise


Magkaroon kaya ng happy ending ang pag-iibigan nina Red at Eden?

Sa huling limang araw ng GMA Afternoon Prime series na Return To Paradise, iba't ibang maiinit na rebelasyon ang hindi dapat palampasin ng mga manonood.

Malaman na kaya nina Red (Derrick Monasterio) at Eden (Elle Villanueva) ang tunay na nangyari sa kanilang sanggol? Matatandaan na napaniwala ni Rina ang dalawa nang sabihin niya na namatay ang kanilang anak matapos itong isilang ni Eden.

Bukod dito, magkakaroon kaya ng happy ending ang pag-iibigan nina Red at Eden?

Sa ginanap na online media conference para sa finale ng Return To Paradise, nagbigay ng patikim sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva sa mga dapat abangan ng Kapuso viewers sa huling linggo ng kanilang pinagbibidahang show.

Ayon sa Sparkle artists, marami pang dapat i-expect sa pagtatapos ng Return To Paradise dahil iba't ibang twists ang mapapanood dito.

“Marami pa silang dapat i-e-expect. May mga characters na mawawala, may mga characters na magbabago ng character, magkakaroon ng mga reconciliation. Napakaraming big moments na mangyayari tapos magiging maaksyon na rin siya,” pagbabahagi ng Kapuso hunk.

Dagdag naman ni Elle, “So many twists in this story and hindi mo akalain na mangyayari 'tong magaganap dito sa finale, and hindi mo alam kung magiging happy ending ba or bittersweet.”

Huwag palampasin ang mga maiinit na tagpo sa huling linggo ng Return To Paradise, Lunes hanggang Biyernes, 3:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Mapapanood din ang programa online via Kapuso livestream.

SAMANTALA, KILALANIN ANG CAST NG RETURN TO PARADISE SA GALLERY NA ITO.