GMA Logo Widows Web
What's on TV

Huling linggo ng 'Widows' Web,' abangan!

By Dianne Mariano
Published April 25, 2022 1:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Errol 'Budoy' Marabiles, of Junior Kilat fame, passes away
Miss Grand International announces first-ever 'all stars' edition
School in Kalibo, Aklan receives bomb threat

Article Inside Page


Showbiz News

Widows Web


Huwag palampasin ang kaabang-abang na pagtatapos ng 'Widows' Web' ngayong linggo.

Mga Kapuso, mapapanood ngayong linggo ang maiinit at makapigil-hiningang mga eksena sa unang suspenserye ng GMA na Widows' Web.

Iba't ibang matitinding rebelasyon ang nasaksihan noong nakaraang linggo gaya na lamang ng pagbubuntis ni Hillary (Vaness del Moral) na bunga ng kanyang relasyon kay AS3 (Ryan Eigenmann), na asawa ni Jackie (Ashley Ortega).

Isang lihim rin ang itinatago ng asawa ni Hillary na si William (Bernard Palanca) dahil siya pala ay nakakatayo at nakakalakad na. Si William din ang salarin sa pagpatay kay George (Mike Agassi) dahil nalaman nito ang kanyang sikreto.

Bukod dito, nalaman na rin ang sikreto ni Elaine (Pauline Mendoza) at ikinuwento na niya sa mga Sagrado ang katotohanan tungkol sa ugnayan niya kay Frank (EA Guzman).


Ipinakita rin ang pagliligtas nina Elaine, Dwight (Dave Bornea), at Jed (Anjay Anson) kay Hillary mula sa sapilitang pagpapa-abort na gagawin sa kanya ni Dra. Cordova. Matatandaan na nais ni William na ipalaglag ang dinadala ni Hillary dahil sa galit nito kay Xander.


Sa kasamaang palad, hindi naging matagumpay ang pagtakas ng apat dahil nahuli sila ni William. Sa pangyayaring ito, sinaktan pa ni William si Dwight, na nahulog sa lupa at agad binawian ng buhay.

Ano kaya ang mangyayari kina Elaine, Hillary, at Jed ngayong nahuli sila ni William? At sino kaya ang tunay na suspek sa pagpatay kay Alexander Sagrado III?

Huwag palampasin ang mga maiinit na eksena sa Widows' Web, Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m., sa GMA Telebabad.

Samantala, silipin ang lock-in taping ng Widows' Web cast sa Tagaytay sa gallery na ito.