GMA Logo Final 6 of Tawag ng Tanghalan All Star Grand Resbak 2025
Photo by: @itsShowtimeNa X
What's on TV

Huling tapatan ng 'Tawag ng Tanghalan: All-Star Grand Resbak 2025,' bukas na

By Kristine Kang
Published April 25, 2025 5:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Over 1K inmates released from November to December 2025 — BuCor
Parol made of dried fish spurs the 'wows' in Estancia, Iloilo
Heart Evangelista and Kasuso Foundation team up in breast cancer awareness event

Article Inside Page


Showbiz News

Final 6 of Tawag ng Tanghalan All Star Grand Resbak 2025


Ngayong Sabado, maghanda sa sukdulang tapatan ng TNT Final 6! Kaninong boses ang mananaig?

Mula sa 48 contenders, kumpleto na ang Final 6 na magbabakbakan sa huling tapatan ng "Tawag ng Tanghalan: All-Star Grand Resbak 2025!"

Ngayong Biyernes (April 25), inanunsyo ang huling dalawang contenders na pasok sa grand finals na gaganapin bukas, April 26.

Isang matinding labanan ng boses ang magaganap sa tanghalan sa pagitan nina Charizze Arnigo, Raven Heyres, Rachel Gabreza, Ayegee Paredes, Marko Rudio, at Ian Manibale.

"Bukas gagawa ng kasaysayan ang mga pangmalakasang pambato sa kantahan. Humanda na sa sukdulang sagupaan sa 'Tawag ng Tanghalan: All-Star Grand Resbak 2025 Huling Tapatan'!" anunsyo ni Vice Ganda.

Simula pa lang ng Road to Finale Week, umarangkada na sa trending list ng X (dating Twitter) ang official hashtags ng segment. Umabot din sa libong views at reactions ang video clips ng contenders, patunay ng mainit na suporta ng madlang people.

Labis na rin ang excitement ng fans para sa inaabangang huling tapatan. Proud na proud ang online netizens sa kanilang pambatong Final 6, na handang ibuhos ang lahat sa tanghalan.

Subaybayan ang bigating huling tapatan ng finalists sa fun noontime program na It's Showtime ngayong Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Samantala, balikan ang highlights ng 'Tawag ng Tanghalan All Star Grand Resbakan 2025' media conference, rito: