GMA Logo Rita Daniela and Ken Chan
What's Hot

'Huling Ulan Sa Tag-araw' nina Ken Chan at Rita Daniela, umani ng papuri mula sa netizens

By Aimee Anoc
Published December 26, 2021 2:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

VP Sara changes travel plans after 'last-minute' approval from OP
Mga magsasakang apektado ng init at mahal na petrolyo, binigyan ng GMAKF ng food packs | 24 Oras
Man found dead with stab, gunshot wounds in Dumangas, Iloilo

Article Inside Page


Showbiz News

Rita Daniela and Ken Chan


Kasama sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2021 ang debut film nina Rita Daniela at Ken Chan, ang 'Huling Ulan Sa Tag-araw.'

Umani ng papuri mula sa netizens ang debut film ng breakthrough Kapuso love team na sina Ken Chan at Rita Daniela, ang Huling Ulan Sa Tag-araw.

Kasama sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2021 ang pelikulang pinagbibidahan nina Ken at Rita, na nagsimulang mapanood kahapon, December 25.

Ginagampan ni Ken ang karakter ni Luis, isang seminarista na malapit nang magpari, habang binibigyang buhay naman ni Rita ang karakter niyang si Luisa, isang bar singer.

"Definitely worth to watch," nangingibabaw na reaksyon ng netizens sa Huling Ulan Sa Tag-araw.

Patuloy na mapapanood sa mga sinehan nationwide ang Huling Ulan Sa Tag-araw. Narito ang listahan ng mga sinehan:

A post shared by Heaven's Best Entertainment (@hbeproduction)

Kasama rin nina Rita at Ken sa pelikulang ito sina Lotlot De Leon at Richard Yap na gumaganap na mga magulang ni Luis.

Ang Huling Ulan Sa Tag-araw ay mula sa direksyon ni Louie Ignacio.

Samantala, narito ang iba pang entries sa MMFF ngayong taon: