
Dalawang sizzling teams ang magtatapat sa bagong "Summer Tawa, Summer Saya" ng Family Feud!
Ngayong April 16, tampok sa pinakamasayang family game show sa buong mundo ang pagpapakita ng galing ng teams na Basketboleros at Gala Gals.
Maglalaro sa Basketboleros ang actor and fitness buff na si Marco Gallo. Makakasama niya sa Family Feud stage ang multi-talented singer-actor na si Johannes Rissler, pro-baller JM Manalang, at ang cycling enthusiast na si Vlad Dellosa.
Samantala, team of fast-rising actresses and digital influencers ang bibida sa Gala Gals. Maglalaro sa team si Ashley Diaz na DLSU Behavioral Sciences graduate at anak ng action star na si Joko Diaz. Magpapakita rin ng husay sa Gala Gals ang licensed civil engineer na si Sara Joe, CSB film major na si Vladia Disuanco, at ang athletic chic na si Jastine Lim.
Abangan ang bagong exciting summer episode ng Family Feud ngayong Miyerkules, April 16, 5:35 p.m. sa GMA at sa Kapuso Stream.
Patuloy pa rin ang mas pinalawak na “Guess More, Win More” promo ng Family Feud.
Network-wide na ang bigayan ng papremyo dahil kasali na rin sa "Guess More, Win More" ang GMA Afternoon Prime at GMA Prime programs na Born to Shine, House of Lies, Apoy sa Dugo, Fast Talk with Boy Abunda, The Sweetest Taboo, Encantadia Chronicles: Sang'gre, at Never Say Die.