
Nakatanggap ng papuri at patuloy pang bumubuhos ang positive reactions ng Pinoy viewers sa karakter ni Martin del Rosario at sa kanya mismong acting skills sa intense drama na House of Lies.
Kapansin-pansin ang husay ni Martin sa pag-arte na napanood ng viewers at fans sa previous episodes ng serye.
Si Martin ay kilala rito bilang si Edward, ang asawa ni Thea na karakter naman ng Kapuso actress na si Kris Bernal.
Related gallery: Kilalanin ang cast ng House of Lies
Pinagtaksilan ni Thea (Kris Bernal) si Edward (Martin del Rosario) at kasunod nito ay magkakasunod na mabibigat na eksena ang nasaksihan mula sa role ni Martin.
Labis na nagalit si Edward lalo na nung malaman niyang ang karelasyon ng kanyang asawa ay ang mismong kuya niya na si Paolo (Mike Tan).
Komento ng viewers at fans tungkol sa todo-bigay na pag-arte ni Martin bilang si Edward:
Kaabang-abang ang susunod pang mga mangyayari sa pamilya Torrecampo.
Patuloy na tumutok sa intense drama na House of Lies.
Ipinapalabas ang serye mula Lunes hanggang Biyernes, 3:20 p.m. sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream, at mapapanood din ito sa GMA Play.