GMA Logo Cast of Huwag Kang Titingin
What's Hot

'Huwag Kang Titingin' cast, dama agad ang horror feels sa unang araw sa set

By Hazel Jane Cruz
Published September 24, 2025 2:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Still no buyer of Discaya’s Rolls-Royce with free umbrella at Customs 2nd auction
A for A On Playlist
Nearly P20M alleged smuggled cigarettes, shabu seized in Sultan Kudarat

Article Inside Page


Showbiz News

Cast of Huwag Kang Titingin


Ano-ano nga ba ang kuwentong katatakutan ang naranasan ng 'Huwag Kang Titingin' cast sa unang araw sa set?

Wala nang makakapigil pa sa horror feels na dala ng pinakabagong handog ng GMA Pictures at Mentorque Productions na Huwag Kang Titingin.

Sa 24 Oras report nitong Martes, September 23, nakipagkuwentuhan ang cast ng Huwag Kang Titingin, at ibinahagi ang kanilang experiences sa unang araw sa set na ginanap sa isang ancestral house sa Mexico, Pampanga.

Ito rin ang magiging main location ng nasabing pelikula.

“Nakakatakot dito pagpasok, tapos umuulan at bumabaha. Sabi ko, 'Naku, 'pag gumabi na tapos walang ilaw, ayaw kong mag-isa,'” kuwento ng Kapuso actor na si Josh Ford.

Dagdag ni Kira Balinger, “It's very big, it's very dark.”

A post shared by Kapuso PR Girl (@kapusoprgirl)

Ayon naman kay Marco Masa, “curious” daw siya sa mga mangyayari sa pelikula.

“Since ito 'yung first day namin, very curious kami about what's going to happen, how is it going to happen inside,” aniya.

“Alam mo 'yung feeling na you're going home tapos it's late at night tapos dark? Feeling ko doon pa lang, natatakot na ako,” kuwento naman ni Charlie Fleming.

Bumisita rin si GMA Network Inc. Senior Vice President at GMA Pictures President Atty. Annette Gozon-Vales sa unang taping ng Huwag Kang Titingin.

Aniya ay naalala raw niya ang 2006 blockbuster GMA Pictures films na Moments of Love dahil sa location ng Huwag Kang Titingin.

“Parang iniisip ko nga, period ba 'to? Parang naisip ko 'yung dating movie natin na Moments of Love. Ganito rin 'yung itsura ng location natin noon at blockbuster 'yun,” kuwento ni Atty. Annette. “It was one of the well-loved movies, so sana 'yun din 'yung mangyari rito sa movie na 'to.”

A post shared by GMA Pictures (@gmapictures)

Ang upcoming horror film na Huwag Kang Titingin ay pagbibidahan nina Sofia Pablo, Allen Ansay, Marco Masa, Michael Sager, Sean Lucas, Kira Balinger, Josh Ford, Anthony Constantino, Charlie Fleming, Shuvee Etrata, at Sherilyn Reyes.

Pangungunahan ito ng direksiyon ni Frasco Mortiz at written/creatively produced ni Ays De Guzman.

RELATED GALLERY: THE STAR-STUDDED STORYCON OF HUWAG KANG TITINGIN