GMA Logo Charlie Fleming, Allen Ansay, Sofia Pablo, Anthony Constantino
Photo by: gmaregionaltv IG
What's Hot

'Huwag Kang Titingin' cast, makikisaya sa 89th Araw ng Dabaw

By Kristine Kang
Published March 9, 2026 4:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NCDA seeks legal action vs TikTok user for abusing PWD lanes
Rate sa Tourist Van Rental sa Bohol, Patas-an | Balitang Bisdak
HONNE returns to Manila this August for 10th anniversary tour

Article Inside Page


Showbiz News

Charlie Fleming, Allen Ansay, Sofia Pablo, Anthony Constantino


Abangan ang Kapuso Mall Show ng 'Huwag Kang Titingin' stars ngayong March 15!

Paparating na ang saya at kilig na tila magbabaliktad sa lahat kasama ang ilan sa cast ng upcoming horror film na Huwag Kang Titingin!

Handang makisaya ang Kapuso stars na sina Sofia Pablo, Charlie Fleming, Allen Ansay, at Anthony Constantino sa inaabangang selebrasyon ng 89th Araw ng Dabaw.

Makakasama ang cast sa darating na March 15 (Sunday), 4:00 p.m., sa Gaisano Mall of Toril, Davao City.

"It's a party like no other at the 89th Araw ng Dabaw kasama ang star-studded cast ng Huwag Kang Titingin Sofia Pablo, Charlie Fleming, Allen Ansay at Anthony Constantino sa isang exciting Kapuso Mall Show! 🤩🎉" saad ng GMA Regional TV.

A post shared by GMA Regional TV (@gmaregionaltv)



Mapapanood na sa mga sinehan ang nakakakilabot na horror film na Huwag Kang Titingin, simula April 15.

Ito ay produksyon ng powerhouse film teams ng GMA Pictures at Mentorque Productions sa idinirehe ni Frasco Mortiz at isinulat ni Ays De Guzman.

Kasama rin sa cast ang ilang paboritong stars na sina Sean Lucas, Marco Masa, Michael Sager, Josh Ford, Kira Balinger, at Shuvee Etrata.

Samantala, balikan ang pagbisita ng Huwag Kang Titingin cast sa Dinagyang Festival 2026: