
Handa nang maghasik ng takot ngayong summer ang cast ng Huwag Kang Titingin na sina Shuvee Etrata, Charlie Fleming, Michael Sager, at Anthony Constantino.
Ayon sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras noong Huwebes, March 5, ibinahagi nina Shuvee, Charlie, Anthony, at Michael ang kanilang excitement sa nalalapit na premiere ng pelikula.
“Para naman mas uminit pa 'yung summer ng mga Kapuso natin, nilagyan namin ng konting takot para mas mag-enjoy kayo sa summer ninyo,” excited na sabi ni Shuvee.
Sa halip na magpunta sa beach ngayong summer, iminungkahi ni Charlie na subukan ang ibang trip, tulad ng panonood ng kanilang pelikula.
“I was really expecting siguro to go to the beach, like have some sunlight, but no, it's pure darkness when it comes to this movie,” pahayag ni Charlie.
“I definitely recommend praying before you watch the movie,” aliw na paalala naman ni Anthony.
Nagkuwento naman si Michael tungkol sa nakakatakot na karanasan ni Anthony sa set ng Huwag Kang Titingin.
“Si Anthony, talagang takot na takot, Ms. Aubrey. May eksena kami doon na napaka-importante, pero si Anthony, nanginginig siya. Like bro, I am scared, bro,” kuwento ng aktor.
“Actually, guys, if you saw the set, you guys would completely understand,” paliwanag ni Anthony.
Maliban sa takot na hatid ng pelikula, ibinahagi ni Shuvee na mayroon din itong aral para sa mga kabataan.
“The movie kasi, ito 'yung mga Gen Zs na content creators. Like hanggang saan ang kaya nilang gawin para sumikat. So, maraming kabataan dyan ang makaka-relate para sa movie na ito,” aniya.
Mapapanood na ang Huwag Kang Titingin sa cinemas nationwide simula April 15.
RELATED GALLERY: The star-studded 'Huwag Kang Titingin' storycon